Its been a while since my last post. Medyo busy lang sa work lately and have to prioritized so many things. Kanina lang when I was chatting with one of my bestfriends, naisip ko na lang na magpost tungkol sa kanila. Anyways, I have many so called "friends" but not bestfriends. Pag sinabi kong friends, sila yong mga taong nakasama ko, nakilala, at naging kaclose.
Pero ang "bestfriends" ko sila yong mga taong naging totoo saken, mga taong ang turing ko sa kanila ay higit pa sa kapatid at kapamilya, sila yong tipong ipaglalaban ko hanggang sa huli, mga taong anytime na kailanganin ko nanjan sila at ganon din ako sa kanila. So far, tatlo lang naman silang matatawag kong mga bestfriends to keep for life. Sila yong gusto ko hanggang sa tumanda kami may communications pa rin kami, na kahit uugod ugod na kami ay magagawa pa naming bisitahin ang isat isa hanggang sa huli.









